Lalaking nanghalay umano ng baka, suspek sa pagpatay sa tiyahin

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 10:58 AM

Patay ang isang ginang sa Malinao, Iloilo nang pagtatagain umano ng kaniyang pamangkin na inakusahang nanghalay ng kaniyang alagang baka.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyahin noong Linggo, base sa imbestigasyon ng pulisya.

Pinagbintangan umano ng biktima ang suspek na nanghalay umano sa alaga niyang baka.

Noong weekend nangyari ang pagpatay at natagpuan ang bangkay ng biktima noong Lunes.

Nakapiit ngayon ang suspek.

-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.