Barangay kagawad sa Borongan City patay sa pamamaril

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 08:43 PM

BORONGAN CITY - Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin dito sa siyudad Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jim Viñas Sr., kagawad ng Barangay C.

Napag-alaman na naka-jacket at naka-hood ang lalaking lumapit sa biktima at bumaril dito.

Matapos ang pamamaril, agad na sumakay ang salarin sa isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki.

Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit namatay ito habang ginagamot.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.