‘Tulak’ na bus driver, tiklo

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 03:43 PM | Updated as of Nov 21 2018 12:30 PM

Hindi na nakapalag pa ang isang bus driver matapos mahuling nagbebenta ng shabu sa tapat ng bus company na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Laoag City, Marso 12, 2018. Photo courtesy of Laoag City Police


LAOAG CITY - Huli sa pagtutulak ng ilegal na droga ang isang 43-anyos na bus driver sa Barangay 55-A, Lunes ng umaga.

Kagagaling lamang sa biyahe ng driver mula Metro Manila nang mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000 sa harap ng bus company na pinapasukan niya.

Ayon sa pulisya, nakuha pa umano sa pag-iingat ng suspek ang siyam pang sachet ng hinihinalang shabu.

Kasali umano ang bus driver sa drug watchlist ng pulisya ng San Nicolas at nauna nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Hindi na nagbigay pa ng komento ang bus driver na nahaharap sa kasong pag-iingat at pagtutulak ng ilegal na droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.