Nanlaban: Subject ng buy-bust operation sa Antique, patay

Jenel Baclay, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 09:12 AM

Patay ang suspek na si Alyas Kabong matapos na manlaban sa awtoridad na nagkasa ng buy-bust operation sa Barangay Maybato North, San Jose, Antique Lunes ng gabi, Marso 12, 2018. Photo courtesy of the San Jose Police

SAN JOSE, Antique – Patay ang isang lalaki na subject ng buy-bust operation matapos na manlaban umano sa awtoridad, Lunes ng gabi.

Ikinasa ang operasyon ng Municipal Drug Enforcement team ng San Jose Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency laban sa suspek na si Alyas Kabong, 36-anyos.

Nagpaputok umano ng baril si Kabong nang matunugang pulis ang katransaksiyon niya alas-8 ng gabi sa Barangay Maybato North.

Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa katawan na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.

Narekober naman mula sa kaniya ang 21 maliliit na sachet ng hinihinalang shabu at .45 kalibreng baril na may magazine at mga bala pa.