Egyptian national, sugatan sa aksidente sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 04:39 AM | Updated as of Mar 13 2018 04:40 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Dennis Datu, ABS-CBN News

Nasugatan ang isang Egyptian national matapos tumagilid ang minamanehong SUV sa Lawton, Maynila Martes ng madaling-araw.

Nagtamo ng sugat sa braso si Maged Feraim Khalil, 37 anyos. Tumanggi itong magbigay ng pahayag sa media.

Ayon kay PO1 Rex Macarubbo ng Lawton Police Community Precinct, naikuwento ng drayber na nakaidlip siya habang nagmamaneho dahil umano sa matinding pagod.

Galing pa raw kasi ng Pampanga at San Mateo, Rizal si Khalil.

Sabi naman ng isang testigo, mabilis ang takbo ng SUV.

Pagbaba nito ng Quezon bridge mula sa Quiapo, bumangga ito sa poste ng street light bago tumagilid.

Yuping-yupi ang SUV at bahagyang tumagilid ang poste ng street light. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.