3 sugatan sa salpukan ng bus, military truck sa NLEX

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 07:00 PM | Updated as of Nov 21 2018 09:19 AM

MAYNILA - Tatlo ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong bus sa isang military truck sa southbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Martes.

Ang mga nasaktan ay ang tanging sakay ng Bataan Transit Bus na nakasalpukan ng sasakyan ng militar. 

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa NLEX traffic command, mabilis ang takbo ng Bataan Transit Bus at sinalpok ang sinusundang KM450 military truck sa bandang Torres Bungalio Overpass, bago dumating ng Balintawak toll plaza.

Sa lakas ng pagkakabangga, napausad ang truck at nabangga ang sinusundang 6x6 military truck. Ang 6x6 truck naman ay nabunggo rin ang sinusundang isa pang bus.

Pinakamatindi ang tinamong pinsala ng Bataan Transit bus na wasak ang harapang bahagi habang hindi naman gaanong napinsala ang military truck at ang isa pang bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.