15 timbog sa droga sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 04:51 AM

Arestado ang 15 katao sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Sampaloc, Maynila.

Unang inaresto ang 2 babae na kapwa nasa drugs watchlist ng Manila police.

Sa kuha ng surveillance video ng Manila Police District Station 4, makikita na nagtatanggalan ng puting buhok ang mga babae.

Pero istilo lamang nila ito dahil may nagaganap na umanong bentahan ng shabu, ayon sa mga pulis.

Nasundan ang operasyon at nahuli ang iba pang sangkot sa pagtutulak.

Itinago pa ng isang babae sa kaniyang bra ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa hiwalay na operasyon, arestado rin ang isang lalaki na nakunan pang gumagamit ng shabu.

Kasama rin sa hinuli ang kaniyang live-in partner.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.