Mag-asawa, patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Bacoor

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2017 07:06 AM

Patay ang mag-asawa nang pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Bacoor, Cavite.

Nabulabog ng sunod-sunod na putok ng baril ang Manhattan Private Residences sa Barangay Habay 1, bandang 9:30 p.m. ng Lunes.

Nakita ng caretaker ng subdivision ang isang babae na tumatakbo palabas. Pamangkin pala iyon ng mag-asawang sina Benhur Alab at Hanadie Tuwanadato na pinasok at binaril sa loob ng kanilang bahay ng dalawang lalaking naka-helmet.

Bukod sa pamangkin, kasama pa nila sa loob ng bahay ang 10 buwan nilang sanggol at anak na19 anyos.

Isang taon pa lang naninirahan ang pamilya sa lugar.

Iniimbestigahan na ng Bacoor PNP ang posibleng sanhi sa pagpaslang sa mag-asawa.

Hindi na isinailalim sa autopsy ang kanilang mga labi alinsunod sa kaugaliang Muslim. - Umagang Kay Ganda, 14 Marso 2017