PatrolPH

Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2023 11:45 AM

Bumulagta sa kalsada ang isang tricycle driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila noong Marso 12, 2023. Screenshot mula sa CCTV footage ng Barangay 7
Bumulagta sa kalsada ang isang tricycle driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila noong Marso 12, 2023. Screenshot mula sa CCTV footage ng Barangay 7

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila nitong hatinggabi ng Linggo.

Base sa kuha ng CCTV ng Barangay 7, nakasakay ng tricycle si Rolly Marquez, 42, at tumigil sa may Juan Luna Street dahil sa trapiko bandang alas-12 ng hatinggabi.

 

Doon bumaba ang nakasunod na salarin na lulan ng motorsiklo at saka pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Narekober ang inabandonang motorsiklo sa may kanto ng Ylaya at Carmen Planas Street sa Tondo, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga salarin pati ang motibo sa krimen.

— Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.