PatrolPH

Bahagi ng Baguio City Public Market nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2023 01:47 PM

Screenshot mula sa video ni Bayan Patroller Adrian Dungo.
Screenshot mula sa video ni Bayan Patroller Adrian Dungo.

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Baguio City Public Market gabi ng Sabado, ayon sa mga lokal na opisyal.

Base sa Facebook post na inilabas ng Baguio City Public Order and Safety Division, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na nag-umpisa ang sunog bandang alas-11 ng gabi.

Ayon kay Magalong, nasunog ang Block 4 at ilang parte ng Block 3 ng palengke. Ito ang section ng mga tindahan ng gulay, dried goods at second-hand clothes.

Tinatayang nasa 1,700 stalls ang apektado, ani Magalong.

Bandang alas-4 ng madaling araw nitong Linggo nang maideklara ang fire out.

Sa ngayon, patuloy umanong inaalam ng Baguio City Fire Station ang pinagmulan ng sunog.

— Ulat ng Bayan Mo iPatrol Mo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.