PatrolPH

66 bahay ang nilamon ng apoy sa Iloilo City; 107 pamilya apektado

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2022 07:53 AM

Video mula kay Cherryl Burdeos

ILOILO CITY—Nasa 66 na bahay ang tinamaan ng malaking sunog sa distrito ng Mandurriao, sa lungsod na ito, Biyernes ng hapon.

Tinatayang nagsimula ang sunog sa Barangay Airport 3:30 p.m. at idineklarang fire under control ng Iloilo City Fire Station 6:43 p.m.

Umabot naman sa 107 na pamilya ang apektado sa nangyaring sunog.

Ayon sa Iloilo City Fire Station mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit dikit ang mga bahay at karamihan dito ay gawa sa light materials.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at pagtukoy sa halaga ng mga nasunog na ari-arian. — Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.