PatrolPH

'Top 1 drug personality' ng Davao Occidental timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2021 01:16 AM | Updated as of Mar 12 2021 01:34 AM

'Top 1 drug personality' ng Davao Occidental timbog 1
Larawan mula sa PDEA XI

STA. MARIA, Davao Occidental - Naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na "top 1 drug personality" ng Davao Occidental Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli si Alejandro Albarracin Jr., 37, sa Barangay Basiawan, Sta. Maria. Sa kaniyang pagkaaresto, nahulihan siya umano ng hinihinalang shabu na nasa P10,000 ang halaga.

Ayon sa PDEA at PNP, itinuturing siya na high-value target at nangunguna sa provincial target list ng ilegal na droga sa Davao Occidental.

Sinampahan na si Albarracin ng pagbebenta ng ilegal na droga o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.