PatrolPH

Semana Santa sa QC tahimik ulit dahil sa COVID-19 pandemic

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2021 05:50 AM | Updated as of Mar 12 2021 08:03 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Sa pangalawang sunod na taon, magiging tahimik ang paggugunita ng mga Katoliko sa Semana Santa, o Holy Week, lalo na sa Quezon City dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakipagpulong na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Diocese ng Cubao at Novaliches kaugnay ng paghahanda sa Semana Santa.

Mahigpit na ipagbabawal ang penitensya, kagaya nang pagsusugat sa sarili at pagpapako sa krus. Bawal na rin muna ang physical gathering para sa pagbasa ng Pasyon ni Hesu Kristo, pero pwede naman ito gawin online.

Hindi rin muna papayagan ang visita iglesia, o ang pagbisita sa pitong simbahan na madalas ginagawa ng mga Katoliko dati. Suspendido rin ang mga nakagawiang tradisyon sa Linggo ng Palaspas at ''salubong" sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Ang papayagan lang ay ang prusisyon pero dapat ay motorcade ang style nito, tatlong sasakyan lang kasama sa convoy, at walang mga taong sumusunod na naglalakad.

Request ito ng mga obispo na napagbigyan naman. Eto yung guidelines na napagkasunduan sa Quezon City, pero sa buong Pilipinas, toned down din ang commemoration ng Holy Week.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.