PatrolPH

Sasakyan ng DPWH, bumaliktad sa Eastern Samar; mga sakay ligtas

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2021 07:26 PM

Sasakyan ng DPWH, bumaliktad sa Eastern Samar; mga sakay ligtas 1
Nakaligtas sa aksidente ang driver at tatlong pasahero nito matapos na bumaliktad ang kaniyang pick-up sa pagkurbada at madulas na daan sa Barangay Bacayawan, bayan ng Llorente, Eastern Samar. Larawan mula sa Eastern Samar District Engineering Office 

Bumaliktad ang isang pickup na pag-aari ng district engineering office ng Department of Public Works and Highways sa Eastern Samar, sa Barangay Bacayawan sa bayan ng Llorente, Huwebes ng hapon.

Ayon sa impormasyon, galing sa bayan ng Lawaan at papuntang Borongan City ang sasakyan.

Pagdating sa pakurbadang bahagi, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa madulas din ang daan sanhi ng pag-ulan.

Bumaliktad ang behikulo pero agad naman nasagip ang driver at tatlong sakay nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

KAUGNAY NA BALITA:

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.