PatrolPH

Higit P200-K halaga ng umano'y shabu, nasabat sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2021 04:07 AM

Higit P200-K halaga ng umano'y shabu, nasabat sa Davao del Sur 1
Kuha ng PDEA XI

DIGOS, Davao del Sur — Higit P200,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Brgy. Cogon, Digos City Miyerkoles ng hapon.

Nahuli ng PNP at PDEA ang anim na suspek sa naturang drug den sa Purok Bakhaw, Punta Biao matapos sila maghain ng search warrant para sa itinuturong supplier ng droga na si Gilbert Bucao, na ika-lima sa listahan ng mga drug personalities ng Davao del Sur.

Kasamang nahuli sina Wildan Amel, Jhunrie Cadiente, Ryan Deloria, John Loiue Macas at Frich Namo, na naaktuhang nasa loob ng den. Labing-apat na sachet na may lamang hinihinalaang shabu kabilang ang ibang mga drug paraphernalia ang nakuha mula sa loob ng gusali.

Nagkakahalaga ang mga nakuhang droga ng P210,000. Nakakuha umano ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga gumagamit ng ilegal na droga sa nasabing lugar.

Patong-patong na kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kinakaharap ngayon ng mga suspek.--Ulat ni Chrislen Bulosan

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.