1 nawawala, 1 sugatan sa sunog sa residential area sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 05:14 PM | Updated as of Mar 12 2020 10:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Isang 17 anyos na dalagita ang sugatan habang isang 8 anyos ang nawawala nang sumiklab ang isang sunog na tumupok sa aabot sa 70 bahay sa isang residential area sa Parañaque City ngayong hapon ng Huwebes. 

Sa abiso ng Bureau of Fire Protection, isa itong residential fire sa may bahagi ng El Dorado Dulo, sa Barangay Don Bosco.

Nag-umpisa ang apoy sa kuwarto sa ika-2 palapag ng bahay ng isang Vilma Nuñez Duterte. 

Unang itinaas ang unang alarma kaninang alas 3:53 ng hapon at itinaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog bandang alas-4:36 nang hapon. 

Hudyat ito na hindi bababa sa 24 fire trucks ng gobyerno ang reresponde para maapula ang apoy. 

Makitid ang kalsada kaya ilang bombero lang ang maaaring pumuwesto sa kalsada para apulahin ang apoy. 

Idineklarang fire out ang sunog bandang alas-7 ng gabi. 

Namamalagi ngayon sa isang covered court sa Don Bosco National High School ang mga nasunugan. 

-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.