Sinuspende ng pamahalaang lokal ng Baguio ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod simula Marso 13 bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa executive order na ipinalabas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nakasaad na suspendido ang mga klase sa lungsod hanggang Marso 22.
Base raw ito sa pulong sa pagitan ng pamahalaang lungsod kasama ang Commission on Higher Education at Department of Education.
Layon ng suspensiyon na protektahan ang mga estudyante sa banta ng pagkalat ng COVID-19.
Magsasagawa rin ng disinfection sa mga eskuwelahan habang suspendido ang klase.
Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 49 ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Unang naiulat ang sakit noong Disyembre sa lungsod ng Wuhan, China.
-- Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Baguio, Baguio City, regions, regional news, walang pasok, class suspension, novel coronavirus, coronavirus, COVID-19