Imbakan ng medical supplies sa Makati sinalakay ng NBI

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 06:23 PM | Updated as of Mar 12 2020 08:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang warehouse sa Makati na nag-iimbak umano ng mga face mask, surgical gloves at iba pang medical supplies.

Nagkasa ng raid ang mga awtoridad sa naturang warehouse sa Barangay San Isidro matapos makatanggap ng ulat na nag-iimbak ang may-ari ng gusali ng medical supplies, ayon kay NBI agent Yuri Beltran.

Pero ayon kay Ram Sehwani, general manager ng Newlife Pharmaceuticals Inc., kumpleto ang kaniyang mga dokumento sa kargamento at updated ang kaniyang mga permit.

Sa warehouse lang umano iniimbak ang mga produkto at ide-deliver raw ito sa mga tindahan.

Dinala muna sa NBI ang importer para magpaliwanag habang inaalam pa kung legal ang kargamento.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.