Grab PH sinuspinde ang 'GrabShare' sa gitna ng COVID-19 pandemic

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 08:03 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Sususpindehin muna ng ride hailing app na Grab Philippines ang "GrabShare" service nila dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ang GrabShare ay serbisyo kung saan maaaring magsama-sama ang ilang pasahero na may kani-kanilang destinasyon. 

"To aid in the social distancing prescribed by the Philippine Health officials with regards to the public health situation on COVID-19, Grab will be suspending its GrabShare services in Metro Manila and Cebu starting March 13, [at] 12 [noon], and will resume as soon as the public health situation de-escalates," ayon sa pahayag ng kompanya. 

Mananatili naman daw ang iba pang serbisyo ng ride hailing app.

Paalala ng Grab, planuhin munang mabuti ang biyahe at isaalang-alang ang kalinisin sa katawan.

Nitong Huwebes, nasa 52 na ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.