PatrolPH

Sanggol ipinanganak sa bus sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 12:39 PM | Updated as of Mar 12 2019 01:37 PM

Isinilang sa loob ng bus sa bayan ng Kibawe, Bukidnon ang isang malusog na babaeng sanggol. 

Tumulong sa pagpapaanak ang mga doktor, midwife at nurse ng bukidnon provincial hospital.

Ayon sa bus company, galing sa Cagayan De Oro City ang nanay at sumakay siya sa bus na biyaheng Tacurong, Sultan Kudarat.

Bababa lang sana ang ina sa Carmen, North Cotabato dahil doon niya umano planong magsilang.

Pero nang nasa Kibawe, Bukidnon na ang bus, napaanak na siya kaya idineretso na sa ospital ang bus.

Ipinarada ang bus sa harap ng Bukidnon Provincial Hospital at pumunta sa bus ang mga doktor at nars para tumulong sa pagpapaanak. 

Ipinaalala ng ob-gyne ng ospital na si Dr. Detta Socorro Roble-Cabrezos na hindi dapat bumiyahe nang malayo kapag malapit nang manganak dahil delikado ito sa bata at nanay.

Samantala, sinagot ng bus company ang lahat ng gastusin sa ospital at nagbigay din sila ng pinansyal na tulong para sa pamilya.

-- Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.