PatrolPH

Ahas, natagpuan sa inidoro ng bahay sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 01:05 AM | Updated as of Mar 12 2019 01:58 AM

MAYNILA (UPDATED) - Natagpuan ang isang ahas sa inidoro ng isang bahay sa St. Anthony St., Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Kuwento ni Diding Avila, magbabanyo ang kaniyang manugang nang makita na may daga sa inidoro.

Nang buhusan ng tubig, lumabas ang ahas na hindi bababa sa 5 talampakan ang haba.

Agad silang humingi ng tulong sa barangay at nakatakdang dalhing ang ahas sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.