PatrolPH

2 timbog sa droga sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 05:39 AM

DAVAO CITY - Arestado ang 2 lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Davao City Lunes ng gabi.

Unang nahuli ng Tugbok police ang isang tricycle driver na nakuhanan ng 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Police Capt. Rikki Obenza ng Tugbok police, mga kasamahang drayber umano ang pinagbebentahan ng suspek.

Samantala, balik-kulungan ang isang dating preso matapos umanong bumalik sa pagtutulak.

Narekober sa suspek ang 2 sachet ng umano'y shabu. Kalalaya lang niya noong Nobyembre sa parehong kaso.

Parehong itinanggi ng mga suspek na sangkot sila sa pagbebenta ng shabu. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - UIat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.