2 nagpanggap umanong traffic enforcer tiklo sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 02:29 PM

Arestado ang dalawang lalaki sa Tondo, Maynila matapos magpanggap umano na traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Ayon sa mga pulis, nangotong umano ang dalawang suspek na sina Noel Silva at JV Gandan III sa kahabaan ng Jose Abad Santos Street.

Nakapagsumbong ang mga biktima sa mga pulis kaya agad ikinasa ang operasyon. 

Inabutan ng mga tauhan ng Manila Police District Station 2 ang suspek na nagmamando pa ng trapik pero nang hingan daw ng ID ay wala raw maipakita. 

Mahaharap sa kasong usurpation of authority ang dalawang suspek. 

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.