Natitirang pusa sa Eastwood, nais ipaampon ng isang grupo

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 10:56 PM | Updated as of Nov 19 2018 12:15 PM

Nag-organisa ang isang grupo ng animal lovers sa Quezon City para ipaampon ang mga natitirang pusa sa Eastwood City.

Noong nakaraang linggo, ilang nawawalang pusa sa lugar ang natagpuang patay dahil sa posibleng pagkalason umano.

Itinanggi naman ng pamunuan ng Eastwood City na sa lugar nila natagpuan ang mga namatay na pusa.

Nitong Pebrero lang, umani rin ng batikos mula sa netizens ang ginawang pag-relocate ng mga pusa ng isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Abangan ang kabuuang detalye nitong report mamaya sa Bandila sa Channel 2.