PatrolPH

P300,000 halaga ng shabu, nasabat sa Central Luzon

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2021 10:51 PM

MAYNILA - Nasa P300,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa Central Luzon.

Ayon sa Police Regional Office 3, 11 suspek ang naaresto sa mga naturang operasyon nitong Miyerkoles.

Lima ang nahuli sa Bataan, apat sa Pampanga, isa sa Bulacan, at isa sa Zambales. 

Kinasuhan na ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga akusado.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.