Baclaran Church devotees nabawasan dahil sa COVID-19 scare

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2020 05:23 PM


MAYNILA — Kumpara sa karaniwang Miyerkoles, mas kakaunti ang mga debotong naabutan ngayon sa Baclaran Church sa Parañaque City, kasabay ng paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kabila nito, tuloy naman ang nakagawiang Marian novena, pero nakadistansiya na rin ang mga tao sa isa't isa.

Isinara o nilagyan na rin ng harang ang mga imahen at rebulto para hindi na ito mahalikan o mahawakan ng mga deboto. Ang iba, itinago at tinakpan pa.

Bawal na rin munang magsawsaw sa holy water fonts. 

Nakakalat naman sa simbahan ang mga advisory tungkol sa bagong coronavirus, at may naka-standby na medic at ambulansya sa labas sakaling may sumama ang pakiramdam. 

Tuloy pa rin naman ang online streaming sa novena at misa para sa mga debotong gustong manatili sa bahay. 

Ipinapayo ng simbahan na iwasan muna ang paghahawak ng kamay sa mga seremonya.

Kasalukuyang nasa ilalim ng state of public health emergency ang bansa, na nakatala na ng 33 kaso ng COVID-19.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.