Barangay chairman, kasamahan patay sa Batangas ambush

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2019 02:06 PM

TAYSAN, Batangas -- Patay ang chairman ng Barangay Mataas na Lupa at kaniyang kasamahan matapos silang tambangan ng hindi nakilalang gunman dito, Lunes.

Sakay ng Toyota Wigo sina Barangay Chairman Rolly Loredo, 39, at kasamang si Reynan Garbin, 29, nang mag-overtake sa kanila ang isang puting van sa kalapit na Barangay Mahanadiong.

Dito na binaril ng pasahero sa likod ng van ang mga biktima, ayon sa mga nakakita.

Tumakas ang mga gunman sa direksyon ng Rosario, Batangas.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril.

Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.