PatrolPH

12 lalaki arestado dahil sa ilegal na pagsasabong

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2019 08:38 PM

12 lalaki arestado dahil sa ilegal na pagsasabong 1

LAOAG CITY - Arestado ang 12 lalaki matapos maaktohang nagsasabong sa Barangay Zamboanga, Laoag City Linggo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naaresto pero wala ni isa sa kanila ang umamin na kasali sila sa ilegal na pagsasabong.

Depensa nila, nanonood lang siya.

Ayun sa pulisya, tuwing Linggo ang tupada ng mga naaresto kaya pinuntahan nila ito.

Nakuha ang limang manok na panabong at ang mga perang ginagamit sa pagtaya na umabot sa mahigit P11,000.

Haharap sa kasong ilegal na pagsusugal ang mga naaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.