Lalaki arestado sa P20 milyon estafa sa Taguig

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 08:06 AM

MANILA - Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Linggo ng madaling araw ang isang lalaki sa isang bar sa Taguig dahil sa kasong estafa.

Kinilala ang suspek na si Marvin Lim, na inaresto pasado hatinggabi habang puma-party.

May kaso siyang estafa na aabot sa P20 milyon. Base sa inisyal na imbestigasyon, nagbigay ng 20 million pesos ang kanyang kasosyo sa kanilang negosyo na Alpha Dragon Trading Corporation.

Pero nang i-check ang records, hindi pala opisyal na nakaregister sa business ang kasosyo.

December 2017 pa nang mag issue ang Makati RTC ng warrant of arrest laban kay Lim.

Dinala sya sa NBI headquarters pero tumangging magbigay ng pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.