Ilang bahagi ng Pasig, mawawalan ng tubig sa Lunes-Martes

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 03:06 PM | Updated as of Nov 14 2018 03:15 PM

 

Mawawalan ng tubig ang bahagi ng Pasig City simula Lunes, Marso 12 hanggang Martes, Marso 13.

Ayon sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Lunes hanggang alas-6 ng umaga sa Martes sa mga sumusunod na lugar:

- Bahagi ng Ugong
- Bahagi ng Bagong Ilog

Magsasagawa ng service improvement ang Manila Water sa mga naturang lugar.

Pinapayuhan ang mga residente ng mga naturang lugar na mag-ipon ng tubig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.