Holdaper, patay nang manlaban umano sa pulis

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 07:14 PM

DAVAO CITY- Patay ang 20 anyos na si Noe Diacosta matapos manlaban sa mga police nang aarestuhin sana sa isinagawang hot pursuit operation sa Barangay Poblacion, Calinan, Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, aarestuhin sana nila si Diacosta dahil siya ay positibong itinuro ng habal-habal driver na nangholdap sa kanya nitong Biyernes ng madaling araw.

"Didto sa area nakita nato siya sa atong operatives imbes musurrender siya nisukol siya... pagreport sa biktima, amoa siya gipatna-w sa rogues gallery based sa picture sa rogues gallery," ani Chief Inspector Michael Uyanguren, station commander ng Calinan Police.

(Doon sa area nakita siya ng ating police operatives, imbes na sumuko siya, nanlaban siya... pag-report ng biktima, pinatingin siya sa rogues gallery based sa picture sa rogues gallery.)

Maliban sa baril, nakuhanan rin ng pakete ng marijuana at kutsilyo si Diacosta.

Itinanggi naman ng kanyang ina na si Aida na magagawang manlaban ang kanyang anak

"Wala ui unsaon pagsukol nga wa mana syay.... nagpajama ra gani to sya, ambot lang wala mi kabalo, wala ui, unsay baril maygdatu ta," aniya.

(Hindi, paano siya manlaban? Naka-pajama lang nga siya, ewan ko hindi ko alam, wala siyang baril 'di naman kami mayaman.)

Inaalam pa ngayon ng Calinan Police ang iba pang kasama ni Diacosta sa panghoholdap sa habal-habal driver.

Nitong nakaraang Disyembre, kalalabas lang ni Diacosta sa kulungan matapos makulong dahil sa kasong illegal posession of firearms.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.