Angkas ng motor, patay matapos magulungan ng truck

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2018 08:00 AM

MANILA - Patay ang isang angkas ng motorsiklo matapos masagasaan ng truck sa Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jayvee Moraña na idineklarang dead on the spot.

Ayon kay PO3 Roy Torre ng Quezon City Traffic Sector 1, nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Joel Peña, kung saan nakaangkas si Moraña, sa truck na minamaneho naman ni alyas Lino.

Dito na bumangga si Peña sa isa pang motorsiklo kaya naman nalaglag ang angkas nitong si Moraña at nagulungan ng truck.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.