TINGNAN: Isang barangay sa Basilan, binaha rin

Erico Antonio, ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2017 08:30 AM

Zamboanga City - Lubog din sa tubig baha ang isang barangay sa Baluno, Isabela City, Basilan province.

Sa larawan na ipinadala ni Nonoy Gelizon, miyembro ng isang rescue team, ipinapakita ang paglikas ng mga taong apektado sa baha bandang alas-10 kagabi.

Rumesponde na rin pati ang lokal na pamahalaan at dinala ang mga apektadong residente sa isang evacuation center.

Ayon kay Gelizon, biglang bumuhos ang ulan kagabi na nagresulta ng pagbaha sa Barangay Baluno.

Hindi bababa sa 200 pamilya ang inilikas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.