Lalaki, patay nang barilin sa Maynila

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at Mar 11 2017 10:10 AM

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek Sabado ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Isang putok ng baril ang narinig ng mga residente sa Oroquieta Street, at tumambad sa kanila ang duguang katawan ni Winston Baro, 34-anyos, residente din sa lugar.

Dead on the spot ang biktima matapos barilin sa ulo, sa labas lamang ng pinto ng kanyang bahay.

Masikip at madilim ang lugar lalo't walang kuryente, kaya't wala umanong nakakita sa suspek.

Ayon kay Kagawad Caloy Fajardo ng Barangay 310 Zone 31, walang permanenteng trabaho ang biktima at dati nang nakulong sa kasong estafa, dahil umano sa pagiging fixer o namemeke ng mga dokumento sa Recto.

Ayon pa kay Fajardo, posibleng may kinalaman din sa droga ang pamamaslang, subalit ito ay inaalam pa ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.