Lalaki, patay matapos mahulog at matabunan sa isang hukay sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2017 01:11 PM

Patay ang isang lalaki matapos mahulog at matabunan sa hinuhukay nitong paglalagyan ng tubo sa Jacinto Street, UP Diliman sa Quezon City Biyernes ng gabi.

Nakatayo ang biktima malapit sa butas nang biglang gumuho ang tinatapakan nito. 

Nakilala ang biktima bilang si Jonathan Sinangote na isang construction worker ng Manila Water.

Tinangkang iligtas ang biktima ng kanyang kasamahan na nakilalang si Alejandro Ponce gamit ang isang backhoe.

Ngunit sa paghukay nito, tinamaan ng ngipin ng backhoe sa mukha ang biktima na pinaniniwalaang sanhi ng pagkamatay nito. 

Tumanggi namang magbigay ng panayam si Ponce at ang Manila Water. Ibibibigay daw nila ang buong detalye pagkatapos ng imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.