80 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Tondo

DZMM

Posted at Mar 11 2017 12:25 PM

Ilang bahay sa Capulong Street, Tondo ang nasunog nitong Sabado ng umaga. Zhander Cayabyab, DZMM

MANILA- Tinatayang 80 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog sa Capulong Street sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Nagsimula ang apoy pasado alas-10 ng umaga at iniangat sa ika-2 alarma. Kaagad naman itong itinaas sa ika-4 na alarma ng Bureau of Fire Protection dakong alas 10:15 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy sapagkat gawa sa light materials ang mga bahay sa nasabing lugar.

-report from Zhander Cayabyab, DZMM