BARCELONA - Sa unang community town hall na inorganisa ng Philippine Consulate General sa Barcelona, Spain ngayong taon, nagbigay ng detalyadong paliwanag ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa kanilang mandato at maging bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).
Binusisi ang kanilang mga programa para sa Overseas Filipinos, kanilang mga responsibilidad at pagkakaiba ng tungkulin. Binigyang linaw din ang mga programa ng Overseas Workers´ Welfare Administration (OWWA).
Dinaluhan ng FilCom leaders mula Catalunya at Andorra, at via Zoom ng mga taga-Las Palmas at Tenerife ang town hall meeting.
Tinalakay din ang mga isyu ng repatriation, medical assistance sa Pilipinas at mga benepisyo para sa dual citizens.
Naging panauhing pandangal sina DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Eduardo Jose de Vega, kasama sina Philippine Labor Attaché sa Madrid, Atty. Nelson Victorino at OWWA Welfare Officer Maria Corazon Sangco.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.