PatrolPH

Drug den sa Bataan sinalakay; 5 suspek timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 10:57 PM

Drug den sa Bataan sinalakay; 5 suspek timbog 1
Kuha ng PDEA-Region 3

Isang drug den ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bataan Provincial Police sa Brgy. San Pedro sa bayan ng Hermosa Miyerkoles ng hapon.

Timbog ang 5 suspek na dinatnan ng mga awtoridad sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang abot P81,000 na halaga ng hinihinalang shab.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuli.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.