PatrolPH

Babae patay sa Davao City matapos saksakin umano ng hipag dahil sa chismis

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 11:29 PM

Babae patay sa Davao City matapos saksakin umano ng hipag dahil sa chismis 1
Kuha ng Davao City Police

DAVAO CITY - Patay ang isang babaeng magsasaka sa pananaksak umano ng kaniyang hipag sa Sitio Kinawayan, Brgy. Baganihan sa Marilog, Davao City Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Delia Mamayas, at ang suspek na si Irene Oral, isang magsasaka rin na sumuko sa Marilog Police Station matapos ang krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dati nang may sama ng loob ang isa't isa dahil umano sa tsismis tungkol sa kabit.

Ayon naman kay Oral, bigla siyang sinunggaban ng biktima habang papunta sa sakahan. Pero nakailag umano siya at tumakbo patungo sa bahay ng kaniyang kapatid.

Pag-uwi niya, inatake na naman daw siya gamit ang bato at kahoy na panggatong. Kaya dumipensa umano si Oral at nasaksak ang biktima ng tatlong beses sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sinugod sa Central 911 clinic sa Marilog ang biktima, pero idineklara ng medical personnel na namatay na siya dahil sa lubha ng mga sugat.

Sasampahan ng kasong pagpatay si Oral.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.