PatrolPH

2 patay sa paghahain ng arrest warrant sa Antipolo

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2021 10:25 PM | Updated as of Mar 10 2021 10:58 PM

MAYNILA - Dead-on-the-spot ang dalawang suspek, kabilang ang isang itinuturing na most wanted person sa Tigbauan, Iloilo sa nangyaring operasyon ng Antipolo police nitong Miyerkoles. 

Ayon kay Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Luzon Field Unit ng PNP Anti-Kidnapping group, bandang alas 6:50 ng gabi nang ihain nila ang arrest warrant sa bahay ng sinasabing tiyuhin ni Regan Gepulango sa Brgy. Sta Cruz sa Antipolo. 

Matagal nang tinutugis umano si Gepulango sa Iloilo dahil sa mga magkakahiwalay na krimen kabilang ang murder, attempted murder, attempted homicide, carnapping, illegal possession of firearms, paglabag sa COMELEC gun ban, at iba pa. 

Kasama sa operasyon ng Antipolo police ang mga taga-Tigbauan Municipal Police station. 

Watch more News on iWantTFC

Nang ihain ang arrest warrant, pinaputukan umano ni Depulango at ng kaniyang kasama ang mga pulis at nauwi sa engkwentro ang paghain ng arrest warrant. 

Napatay si Gepulango at ang kaniyang kasama na hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan, habang wala naman casualty sa panig ng mga pulis. 

Sabi ni Bannawagan, narekober sa crime scene ang mga baril ng suspek, at umano'y pekete ng hinihinalang droga. 

Inaalam pa kung sangkot din ang suspek sa transaksyon ng ilegal na droga sa Antipolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.