#WalangPasok: Miyerkoles, Marso 11, 2020 dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 07:02 PM | Updated as of Mar 10 2020 11:57 PM

MAYNILA (UPDATE) — Bukod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok hanggang Sabado, Marso 14, sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Metro Manila, ilang lokal na pamahalaan din ang nagkansela ng pasok sa eskuwela sa kanilang mga lugar bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa Maynila, hanggang Linggo, Marso 15, walang pasok. Sa ilang karatig-lalawigan naman ng Metro Manila, may mga nagdeklara na rin ng class suspension. 

  • CITY OF MANILA (hanggang Marso 15)
  • CAVITE (buong lalawigan, hanggang Marso 14)
  • BULACAN
    - San Jose del Monte (hanggang Marso 14)
  • TARLAC
    - Capas (hanggang Marso 14)
  • DAVAO DEL NORTE
    - Santo Tomas

Nauna nang sinuspinde ni Duterte ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sakit. 

Nilinaw rin niya na patuloy na mag-aaral ang mga estudyante sa kanilang mga bahay habang walang pasok sa mga paaralan.

Tutulong din ang pulisya at mga lokal na opisyal para maipaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon, ayon kay Duterte.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 33 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas.

Nagdeklara na rin ng gobyerno ng state of public health emergency bilang hakbang laban sa pagkalat ng sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.