'No facemask no entry' policy ipinag-utos sa mga empleyado sa kapitolyo sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 02:07 AM

Nakasuot ng facemask ang mga empleyado sa provincial capitol ng Davao del Sur nitong Lunes bilang tugon sa utos ni Gov. Douglas Cagas ang 'no facemask, no entry ' policy sa mga opisina bilang paghahanda sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cagas, magpapalabas sila ng P20 milyon mula sa calamity fund bilang agarang aksyon ng probinsya.

Ang pera ay gagamitin sa pagpapatayo ng dagdag na isolation room ng provincial hospital at pambili ng alcohol at facemask para sa mga kliyente at empleyado.

Hinikayat din ni Cagas ang mga alkalde at mga kapitan ng barangay na magtayo ng isolation facility.

Kinumpirma ng gobernador na wala pang nagpositibo o residenteng nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa probinsiya.-Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.