PatrolPH

Ilang pasaherong manggagaling sa Iran, Italy isasailalim sa quarantine: Cebu governor

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 02:05 AM

Isasailalim sa 14-day mandatory quarantine ang mga pasaherong magmumula sa Iran at Italy, ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong Lunes. 

Ayon kay Garcia, bunsod ito ng tumataas na kaso sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pinangyarihan nilang mga bansa. 

Paiigtingin din ng probinsya ang pagsusuri sa mga health declaration cards ng mga pasahero. 

Kung may madidiskubre silang mga pasahero na may travel history sa mga apektadong bansa, isasailalim agad ang mga ito sa mandatory quarantine.

Dagdag ni Garcia, wala pang suspensyon ng klase sa Cebu dahil sa COVID-19 pero sinabihan na niya ang rehiyunal na opisina ng Department of Health na mamimigay ng vitamin C para sa mga estudyante para lumakas ang kanilang immune system.-Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.