PatrolPH

P2-M halaga ng smuggled na yosi nasamsam sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2019 08:12 PM

Tinatayang nasa higit P2.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng pulisya at militar sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nadiskubre ang kontrabando sa bahay ng isang Dimer Alih.

Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin ang tatlong motorsiklo na walang papeles, at iba't ibang bahagi ng kalibre .45 na baril.

Samantala, sa isa pang operasyon sa Sulu ay arestado din ang dalawang drug personalities.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Itinurn-over na ang mga nasabat na kontrabando at mga naarestong suspek sa kustodiya ng Sulu Police Provincial Office.

—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.