PatrolPH

Mga bala, armas, nakuha mula sa mga umano'y NPA sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2019 05:38 PM

BUENAVISTA, Agusan del Norte - Iba't ibang mga armas at bala ang nakuha ng mga militar mula sa mga umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) sa Barangay Lower Olave sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte Sabado ng tanghali.

Naka-engkwentro ng tropa ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army ang mahigit kumulang 10 miyembro ng NPA sa lugar.

Rumesponde ang mga sundalo base sa impormasyon na ibinigay ng mga residente hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar. Dito na nagkaroon ng engkwentro na tumagal ng limang minuto.

Matapos ang nangyaring engkwentro, narekober ng tropa ang dalawang carbine M1 rifles, isang caliber .22 pistol, isang anti-personnel mine na may blasting cap, tatlong cartridges ng 40mm, isang hand grenade, tatlong UHF commercial radios (Cignus), tatlong magazine ng carbine rifles, 350 rounds ng mga bala ng carbine rifles, limang cellphone, dalawang binoculars, isang monocular, isang sniper scope at pitong pack bags na may duyan, personal na mga gamit at mga subersibong documento.

"Through the cooperation of the civilian stakeholders, we were able to save lives by thwarting the hostile plans of the CNTs in using the prohibited anti-personnel mines which can victimize even ordinary civilians. We encourage the CNT members to abandon armed struggle and go back to the folds of the government, live a peaceful life together with their families and loved ones. Our government is open to help you," ani Lieutenant Colonel Francisco L. Molina Jr., Commanding Officer ng 23rd Infantry Battalion.

- ulat ni Rex Gaitano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.