SAPUL SA CCTV: Salpukan ng motorsiklo at bus sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 09:57 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nakuhanan ng CCTV ang pagsalpok ng motorsiklo sa isang bus sa San Pablo City, Laguna.

Sa kuha ng CCTV, makikitang napakabig ang motorsiklo at lumipat sa kabilang lane.

Sumalpok ito sa kasalubong na bus na nagresulta sa pagtilapon ng 3 sakay ng motor.

Patay ang 3 sakay nito kabilang ang 2 angkas na babae.

Naghihinagpis ang mga kaanak ng mga biktima sa kanilang sinapit.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang haharapin ng drayber ng bus na kinilalang si Orlando Chan.

Nakuhanan din ng CCTV ang pagbangga ng humaharurot na motorsiklo sa mag-lolang tumatawid sa pedestrian lane sa Santo Tomas, Batangas.

Nauwi sa areglo ang insidente dahil sinagot ng drayber ang pagpapagamot sa ospital ng mga biktima.

Sa ilalim ng batas, nakasaad na kailangang huminto ang mga sasakyan kapag may tumatawid sa pedestrian lane.

Sa Alfonso, Cavite naman, sapul din sa CCTV ang pagsakay ng 2 binatilyo sa jeep.

Pero hindi pa sila nakakapuwesto, umandar na ang sasakyan at nakaladkad ang isa sa kanila.

"Kung hindi po nagsigawan 'yung mga tao sa jeep nu’ng oras na 'yon, hindi po titigil yung jeep para tulungan kami," ani Tyrael Sosa.

Hindi muna pinayagan ng asosasyon na bumiyahe ang drayber.

Pero hindi naman nagsampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima.

--Ulat ni Albert Lumbera, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.