Dalagang tulak ng droga, menor de edad na kasabwat timbog sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 09:45 PM | Updated as of Jan 09 2020 06:16 PM

Watch more in iWantTFC

Arestado ang 18 anyos na dalagang kilala umanong tulak ng droga at ang kaniyang 17 anyos na kasabwat sa isang buy-bust operation sa Los Baños, Laguna nitong Huwebes.

Agad pinalibutan ng Los Baños Police si Jerimaine Kwok matapos tanggapin ang buy-bust money malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Timugan.

Tinaguriang No. 2 ang suspek sa drugs watchlist ng bayan. 

"To be able to qualify into this watchlist, they are known to be pushing and using drugs," ani Inspector Roselle Orate.

Arestado rin ang kaniyang 17 anyos na kasabwat na si alyas "Jane."

Nakuha sa kanila ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

Nababahala naman ang pulisya dahil maagang nalulong sa masamang gawain ang mga nahuli nilang kabataan.

"Siguro iyun 'yung naisip niyang easiest way na makaipon ng pera," ani Orate. 

Kinasuhan na si Kwok habang itu-turn over naman sa Department of Social Welfare and Development si Jane.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.