ALAMIN: Parusa sa negosyong mail-order spouse

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 06:25 PM | Updated as of Jan 09 2020 06:15 PM

Watch more in iWantTFC

Maaaring maharap sa kasong kriminal at 15 taong pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang sangkot sa negosyo ng mail-order spouse o pag-engganyo sa isang tao na mag-asawa ng banyaga na may bayad.

Lumabas ito sa pagtalakay ng "Anti-Mail Order Spouse Law" sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM nitong Biyernes.

"Kung ikaw ay magiging matchmaker, na ang gusto mo is ma-recruit mo siya para makapag-asawa ng isang foreigner for a fee, ginawa mo siyang negosyo, 'yun 'yung ipinagbabawal," ayon sa abogadong si Claire Castro.

Hindi umano nagiging maganda ang karanasan ng mail-order bride o groom sa kanilang napapang-asawa.

Ayon pa sa abogado, hindi lang ang mga may ganitong negosyo ang saklaw ng batas.

"Pati 'yung naga-advertise or tumulong mag-advertise, at pati 'yung publication, alam naman nila mali na itong mail-order bride pero tumulong sila na i-promote," ani Castro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.