2 lalaking sangkot umano sa sindikato ng ilegal na armas, huli sa Agusan Del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 05:06 PM | Updated as of Mar 10 2018 06:10 PM

SANTIAGO, Agusan Del Norte - Arestado ang 2 lalaki na hinihinalang sangkot sa gun running operations sa isang farm dito sa bayan, Sabado.

Nakuha ang isang di lisensiyadong baril at isang magazine mula sa may-ari ng farm, habang ilang 'di lisensiyadong armas at 2 magazine ng kalibre .45 na baril ang nakuha mula sa isang bisita nito.

Sa ginawang firearms records verification sa Firearms and Explosives Office sa Camp Crame, lumabas na hindi rehistradong firearm holder ang may-ari ng farm. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.

Dadalhin ang mga nakumpiskang baril at bala sa PNP Regional Crime Laboratory para sa firearms forensic examination upang matunton kung saan nagmula ang mga armas.

Haharap ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.