116 'pasaway' sa Parañaque, huli

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2018 06:04 AM

Dinampot ng mga pulis ang 116 katao sa anti-criminality operation sa Parañaque.

Kasama sa mga hinuli ang 55 na umiinom sa pampublikong lugar, 4 na walang suot na damit pang-itaas, at 4 na may warrant.

Sinagip din ng mga pulis ang 53 menor de edad sa lansangan. Nakakumpiska rin sila ng ilang motorsiklo.

Ayon kay Senior Supt. Marlon Golfo ng Parañaque police, ikinasa nila ang operasyon para mapanitili ang disiplina sa siyudad.

Dahil sa paglabag sa mga ordinansang panglungsod, kadalasa'y pinagbabayad ng multa o aatasan na mag-community service ang mga hinuli. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.